Mister na gumahasa at nagpasak ng bote sa ari ng buntis na misis, arestado

Share

HINDI na nakapalag pa ng arestuhin ang isa sa mga most wanted sa lalawigan ng Rizal na si alyas “Allan,” 52, isang foreman at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal sa kasong qualified object rape.

Ayon sa ulat na natanggap ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director, dakong alas-2:10 ng hapon kahapon, Hunyo 5, 2025, nang matunton at arestuhin ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station ang akusado sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta.

Si Alyas Allan ay may kasong Qualified Object Rape at may nakalaang piyansa na Php200,000.00.

Base sa imbestigasyon, noong Disyembre 31, 2008, ay pinaniniwalaang isinagawa ng akusado ang karumal-dumal na krimen matapos pasakan ng bote ang maselang parte ng kanyang buntis na asawa, na naging sanhi ng matinding pagdurugo at impeksyon sa fetus.

BASAHIN  Most wanted ng Antipolo nasakote

Sa ngayon, nakakulong na si Alyas Allan sa Cainta Custodial Facility para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang iimpormahan naman ang korte na naglabas ng warrant of arrest sa matagumpay na operasyon. 

IBA PANG BALITA

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

Sam, Catriona, break na? Sina Catriona, Alden na?

MARAMI ang hindi naniniwala na magiging Bea Alonzo at Dominique Roque na ang kasalang Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray. Ito kasi ang...