46 katao huli sa SACLEO ng Rizal PNP

Share

NASA 46 katao ang naaresto ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) sa magdamagang  operasyon ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO)  kontra kriminalidad sa 13 munisipalidad at isang siyudad ng Rizal Province.

Sinabi ni PCol. Felipe Maraggun, RPPO Provincial Director na ang kapulisan ng Rizal ay nagsagawa ng iba’t ibang operasyon para paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga, loose firearms, wanted persons, illegal gambling at kriminalidad.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, sa pitong operasyon na isinagawa, ang Rizal PNP ay nakahuli ng 10 katao sa kasong paglabag sa illegal na droga.

Nakumpiska ang nasa humigit kumulang 14.97 gramo ng  shabu na may halagang tinatayang aabot sa ₱101,796.00.

BASAHIN  Regulasyon sa e-trike at e-bike dapat ipatupad, ayon sa 2 LGU sa Rizal

Nasa 13 katao naman ang nasakote sa isinagawang Manhunt Operation laban sa mga Wanted Persons kabilang ang  isang Rank 6 MWP Regional Level at dalawang listed MWP City Level habang nasa 10  indibidwal naman ang naaresto para sa Other Wanted Persons.

Hindi din isinasantabi ng mga kapulisan ang panghuhuli sa mga lumalabag sa iligal na sugal at sa magdamagang police  operation ng Rizal PNP ay nakahuli sila ng 23 personalidad sa isinagawang pitong operasyon na kung saan nasa ₱2,108 bet money ang nakuha.

Kasalukuyang nakakulong ang mga naarestong suspek sa himpilan ng bawat lugar na nakakasakop sa kanilang pagkakahuli habang inihahanda ang dokumentasyon sa mga reklamong kanilang kakaharapin.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Piliin ang sariwa – Mayor Vico

NAGLABAS kahapon ng ilang paalala si Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga botantengayong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Pinayuhan ng...