Sekyu kalaboso sa rape, child abuse

Share

HIMAS rehas ang isang security guard matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion ng Eastern Police District (EPD-DMFB) kasama ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa kasong rape at child abuse sa Brgy. Balong Bato, San Juan City noong Marso 3, 2025.

Kinilala ni PCol. Villamor Tuliao, district director ng EPD ang suspek na si alyas “Abel,” 52 at itinuturing na no. 8 top most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO), regional level sa kasong statutory rape.

Ayon sa ulat, 10 taong gulang pa lamang ang step-daughter na biktima nang simulang abusuhin ito ng nasabing suspek na sekyu ng maraming beses noong 2024.

Maliban dito, sinimulan na ring pisikal na abusuhin ang biktima noong Disyembre 2004 kaya napilitan nang magsumbong sa kaniyang step-sister na agad namang nagsumbong sa mga otoridad.

BASAHIN  Wanted na biyenan mula Masbate, arestado sa Taytay

Bunga nito, nag-isyu agad ng warrant of arrest si Presiding Judge Mary Catherine Noblejas-Garcia ng Family Court Branch 14, San Juan City at dakpin ang suspek.

Ang nasabing kautusan ng korte ay may kaugnayan sa paglabag ng suspek sa Sec 10(a) ng R.A. 7610 (Child Abuse Act) at para sa 2 counts ng Statutory Rape sa ilalim ng 266-A (1) (D) may kaugnayan sa Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng R.A. 8353, at walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang malalimang imbestigasyon at pagmamanman, hinuli ng mga operatiba ang suspek dakong alas-6:10 ng umaga noong Marso 3, at kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng San Juan City Police Station at hinintay ang commitment order mula sa husgado. 

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Baril, Hindi na gamit sa panghoholdap ng Bangko

COMPUTER at telepono na ang ginagamit ngayon sa panghoholdap ng bangko. Ito ang sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagdinig ng Senado...