HomeMetro ManilaDating hepe ng PNP-PIO,...

Dating hepe ng PNP-PIO, QCPD chief na

Welcome sa lahat ng taga-Quezon City, particular na sa QC local government unit sa pamumuno ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakatalaga kay Brig. Gen. Redrico Maranan bilang Acting Director ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Belmonte, tiwala siya kay Maranan na magagampanan sa lahat ng oras ang mga obligasyon sa QCPD kabilang na ang pagpapatupad ng karapatang-pantao, hustisya at pantay na pagtingin sa lahat ng mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, relihiyon o katayuan sa buhay.

Sinabi pa ng alkalde na hindi niya inaasahan ang nangyari kay General Nick Torre, dahil maganda ang nasimulan sa Quezon City, katulad ng tatlong minutong tugon sa bawat natatanggap na tawag ng saklolo sa Helpline 122 na sana ay mas magawa pa ng bagong QCPD Director.

BASAHIN  5,085 na Pulis, ide-deploy sa NCR sa darating na pasukan

Si Maranan ay dating Public Information chief ng Philippine National Police (PNP) at malawak ang karanasan ni General Maranan sa ahensya kung saan nagkamit na rin ng sari-saring parangal mula nang siya ay maging pulis.

Maliban sa PNP-PIO, marami na siyang hinawakang pwesto gaya ng intelligence officer ng Cavite Police Provincial Office at provincial director ng Pangasinan.

Matatandaang nag-resign sa puwesto si Gen. Torre sa akusasyon na nagbibigay umano ito ng VIP treatment sa isang suspek sa road rage sa Quezon City.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA