Mahigit 4,000 pulis, dinisiplina ng PNP

Share

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na may kabuuang 4,082 mga pulis ang pinatawan ng
disiplina, kasali na ang pagkatanggal sa serbisyo, magmula Enero ng taong ito.


“This shows that our internal disciplinary mechanism is working,” ayon kay PCol. Jean Fajardo
tagapagasalita ng PNP.


Niliwanag ni Fajardo na pinarusahan ang mga nagkasalang pulis dahil sa mga kasong
administratibo na karaniwan o kaya’y seryosong paglabag. Kasama rito ang kidnapping, homicide,
robbery-extortion, paggamit nang ipinagbabawal na gamot, kabiguan na dumalo sa pagdinig sa
korte, at AWOL o absence without leave.


Ani Fajhardo, 935 na pulis ang na-dismiss, 242 ang naibaba ang ranggo o demoted, 1,850 ang
suspendido, 159 ang na-forfeit ang sweldo, 680 ang sinaway, 110 ang na-restrict, at 106 ang pinigil ang sweldo.

BASAHIN  EPD nakapagtala ng 7.37% na pagbaba ng krimen sa buwan ng Hunyo


Idiniin pa ni Fajardo na pinagtutuunan nila nang pansin at dinidisiplina ang lahat ng mga lumalabag sa batas o Code of Conduct ng PNP, kahit daw ito’y simpleng paglabag lang o seryosong kaso na nagiging dahilan para sila’y suspindihin o alisin sa serbisyo.


“As it continues its mission to serve and to protect, the PNP aims to build a force that truly
exemplifies integrity, honor, and dedication,” ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Chinese envoy, alis diyan!

MARIING kinondena kahapon ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang paulit-ulit napambobomba ng tubig sa tatlong barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Hiniling...