Cayetano sa DPWH: pagsugpo sa ghost projects, unahin

Share

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing priyoridad ang may kinalaman sa ghost projects.

Sinabi pa ng senador na kailangang sugpuin agad ang mga nangyayaring iregularidad sa ahensya sa pamamagitan ng malalimang imbestigasyon dahil malinaw at halatang pinagmumulan aniya ito ng korapsyon.

“Ang definition ng ‘ghost [projects],’ nag-allocate ng pera [at] binayaran, pero wala talagang project. It’s easier to focus on that kasi walang mapapaliwanag y’ung guilty,” ang sabi ni Cayetano sa DPWH budget briefing kahapon Oktubre 20.

Pinaalalahanan din ng senador si DPWH Secretary Vince Dizon na doble kayod ngayon ang magiging tunguhin ng ahensya sa nation-building—ang malawakang pagtatayo ng mga imprastraktura at panatilihing walang bahid ng korapsyon ang bawat proyekto.

“Hindi lang sapat na mahadlangan ang korapsyon, ngunit kailangan din na nakahanay sa kung ano ang magiging priyoridad ng administrasyon,”

“Do you agree with me na dapat yung low-lying fruit, y’ung obvious na obvious, iyon y’ung unahin?” tanong ni Cayetano kay Dizon.

BASAHIN  Alitan sa partido ni PBBM tumitindi

Bilang pagsang-ayon, sinabi ni Dizon na uunahin nila at tututukan ang paglilinis sa loob ng departamento at tiyaking mahaharap sa kalaboso ang sinumang sangkot sa katiwalian dahil hindi aniya sila magbubulag-bulagan sa mga nangyayaring iregularidad.

“Anything that’s also obvious, we would appreciate action on it. Whether you refer it to the ICI [Independent Commission for Infrastructure] or the Ombudsman. Ang point ko lang naman, nasa inyo ang papeles,” giit pa ni Cayetano.

Iminungkahi rin ng Minority Leader ang isang praktikal na paraan para malaman kung natapos na ang isang proyekto ay na hilingan ang lahat ng district engineers (DEs) at lokal na opisyal na sabay na kuhanan ng litrato ang proyekto bilang reperensya.

Idinagdag pa ng senador na kailangan aniyang magkasabay ang paglilinis sa DPWH habang isinasagawa ang imprastraktura dahil malaon na aniyang problema ang korapsyon sa ahensya.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

3 patay, 3 sugatan sa nag-amok na lolo sa Cainta

Dead on the spot ang isang 68-anyos na dating OFW matapos paulanan ng mga bala ang ilang tauhan ng Cainta Police makaraang rumesponde sa...