Panawagan ni Chavit: Ibalik ang usapan sa kontrobersyal na flood control

Share

NANAWAGAN si former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na ibalik ang usapan sa isyu ng flood control projects at ituloy ang imbestigasyon ngunit hindi na sa ilalim ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil wala na umano itong kredibilidad matapos ang sunod-sunod na pagbitiw ng mga miyembro nito.

Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan City kaninang umaga, sinabi ni Singson na dapat aniyang ilabas si Sarah Discaya at pagsalitain uli dahil marami pa umano itong isisiwalat kaugnay sa korapsyon na nakapaloob sa DPWH flood control projects controversy. 

Inakusahan pa ng dating gobernador na si dating Speaker Martin Romualdez umano ang nagtatago kay Orly Guteza, ang dating resource person sa Blue Ribbon committee hearing sa senado na bigla na lamang nawala. 

BASAHIN  Komite ni Marcoleta tatalakay sa kaso ni VP Sara?

Matatandaan na sa kalagitnaan ng senate hearing noong nakaraang taon, bigla na lang iprinisinta ni Senator Rodante Marcoleta si Guteza at tuwirang inginuso nito si Rep. Zaldy Co na naghatid ng mali-maletang pera sa bahay ni Romualdez. 

Kalaunan ay pinatutuhanan ito ni Co sa kaniyang sunod-sunod na pagsisiwalat kung saan diretsahan namang sinabi nito na nag-deliver din siya ng milyun-milyong pera sa Malacañang at bahay ni Romualdez. 

Dahil dito, sinisimulan na umano ng mga kasamahan ni Singson na makipag-usap sa iba’t bang sektor ng lipunan partikular na sa mga religious groups para sa ikakasa nilang “one time, big time” anti-corruption rally na posibleng gagawin sa Pebrero.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....