Bilang ng illiterate na mga Pilipino dumoble

Share

NABABAHALA si Senador Sherwin Gatchalian sa pinakahuling report na inilabas ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakitang dumoble ang mga Pilipino na illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat.

Batay sa nasabing ulat, 14.5 milyon ang illiterate noong 1993 ngunit 24.8 milyon na ito ngayon batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey.

“Hindi natin mareresolba ang krisis na ito sa edukasyon kung marami sa mga Pilipino ang nananatiling functional illiterate, kung saan dumoble ito tungo sa 24.8 milyon sa nakalipas na 30 taon,” ang pahayag ni Gatchalian.

Ayon sa senador, matagal na niyang isinusulong ang National Literacy Council Act na nagtatalaga sa mga local school board bilang mga de facto local literacy council sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad.

“Kailangang kumilos na ang lokal na mga pamahalaan. Isa ito sa mga istratehiya na matagal ko nang isinusulong nang sa gayon masusolusyunan natin ang problemang ito,” dagdag pa ng senador.

Nitong nakaraang nuwan ng Mayo, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na sa halip na turuan ang mga mag-aaral kung paano mag-memorya (memorize), ililipat ito sa kung papaano sila maging palaisip at mapanuri (critical thinkers).

Tugon ito ng kalihim batay sa inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa isang pagdinig ng

BASAHIN  90% sa mga bata, hindi makabasa - Gatchalian

Senado kung saan sinabi nito na halos 19 milyong nagsipagtapos na junior at senior high school na mga mag-aaral ang nahihirapang unawain kahit ang isang simpleng kuwento lamang.

Sa kabila nito, binigyan ng komendasyon ng EDCOM 2 ang matagumpay na pamamaraan na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Bulacan kung paano tugunan ang suliranin ng illiteracy sa mga estudyante.

Noong 2023, pinasimulan ng lokal na pamahalaan ang BRIGHT o BRIdging Gaps through Helpful Tools, isang proyekto ng pagtutulungan sa pagitan ng DepEd, mga paaralan, guro, magulang at mga opisyal ng bayan.

Sa nasabing inisyatiba, naging malikhain ang mga guro sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya tulad ng mga palaro na nakapukos sa ponetika (palabigkasan), bokabularyo, pag-unawa, pagbabasa ng mga kuwento sa panahon ng miryenda.

Idinagdag pa ng ulat na naging epektibo rin ang one-on-one na pagtuturo sa mga estudyante, at kahit anila sa mga pag-awit, online games at pauli-ulit nap ag-eensayo ng mga natalakay na.

“Di naman po pwedeng basa-basa agad ang bata…Dinadaan namin sa paglalaro, at may competency naman po na kasama sa learning through play,” ang paliwanag ni Norzagaray Public School District Supervisor Nora Manalo.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Globe nagrehistro ng 54-M SIM users

UMABOT na sa 114 milyon ang nairehistrong subscriber identity module (SIMs) cards nongHulyo 25. Ayon sa datus ng National Telecommunications Commission (NTC), 114 milyon angkumakatawan...