Na-dismiss na pulis, dapat ibalik ang retirement pay – Tolentino

Share

SINABI ni Senador Francis Tolentino na dapat ibalik ni dismissed cop Wilfredo Gonzales ang
kabuuang halagang natanggap niya sa Philippine National Police (PNP) bilang retirement pay.


Sa isang TV interview kamakailan, sinabi ng Senate Committee on Justice and Human Rights
chair na hindi raw dapat tumanggap ng anumang retirement pay ang sinomang pulis na-dismiss.

Matatandaang nag-viral ang video ni Gonzales noong Agosto 28 dahil sa pambabatok at
pagkakasa nang baril sa isang siklista noong Agosto 8, dahil sa away-trapiko.


Ayon kay Atty. Raymond Fortun, sa isang pagdinig sa Kongreso, wala raw puwang sa ating
lipunan ang mga taong bayolente na gumagamit ng labis na dahas sa simpleng away-trapiko
lamang.

BASAHIN  35 Kandidato sa BSKE elections sinampahan ng disqualification


Ayon sa isang source, pineke raw ni Gonzales ang kanyang clearance kaya siya nakapagretire
noong 2016 at nakakuha ng kabuuang retirement pay para sa PO1, matapos ang halos 20
taong serbisyo sa PNP.


Nakatakdang humarap si Gonzales, pati na ang siklista sa pagdinig sa isasagawa ng Senado sa
linggong ito.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Cayetano: Huwag ireklamo ang China sa UNGA

GAWIN ang tama, huwag idaan sa lakas (ng loob) ang pag-responde sa problema sa WestPhilippine Sea (WPS). Ito ang rekomendasyon ni Senador Alan Peter Cayetano...