90% sa mga bata, hindi makabasa – Gatchalian

Share

INIHAYAG noong Biyernes ni Senator Sherwin Gatchalian na 90 percent ng mga kabataan ay
hindi makabasa, ayon daw ito sa report ng World Bank (WB).


Ang datus ng WB ay base sa depinisyon ng pagbabasa na pagkuha, pag-unawa, at pagtanda
(to remember) sa ilang anyo impormasyon o ideya na nakasulat.


Dahil dito, sinabi ni Gatchalian sa TV program na The Source na pagtutuunan nang pansin ng
bagong K-10 kurikulum ang basic skills, reading, math, at writing. Ito ay ipatutupad sa
susunod na pasukan.


Ayon sa senador, pagtutuunan nang pansin simula kindergarten hanggang grade 3 ang basic
skills and competencies. Babawasan daw ang bilang ng kasanayang ituturo sa bagong
programa.

BASAHIN  P5.768-T budget, gagamitin daw ng tama –Romualdez


Samantala, sinabi ng Department of Education (DepEd) na ang bagong K-10 kurikulum ay
dadaan muna sa pagsusuri o review bago ito ipatupad. Sinusuri rin ng departamento ang
Grade 12 curriculum para tiyakin na makahahanap kaagad ng trabaho ang gradweyts nito.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Wanted sa rape huli sa warrant

NALAMBAT ng Pasig City Police sa pamamagitan ng Station Warrant and Subpoena Section ang isang lalaking kabilang sa most wanted person na may kinahaharap...