1,200 Red Cross volunteers kasado na para sa 2026 Translacion

Share

INIHAYAG ng Philippine Red Cross (PRC) na higit sa 1,200 katao ang magbo-boluntaryo para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga deboto sa Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong araw, Enero 9, 2026.

Ito ang inihayag ng dating senador at ngayo’y Chairman ng PRC na si Richard “Dick” Gordon sa ginanap na press conference noong Miyerkules ng hapon sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City kasama ang mga mamamahayag na miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps.

Ayon kay Gordon, handa na sila para sa kapakanan ng milyong deboto na inaasahang makikibahagi sa nasabing relihiyosong kapistahan kung saan 1,261 sinanay na mga boluntaryo ang ikakalat sa lahat ng lugar na ruta ng prosisyon.

May karagdagang 143 iba pang boluntaryo na ipu-puwesto sa strategic locations, 19 na mga ambulansya mula sa National Capital Region chapters, at 20 ambulansya pa mula naman sa Southern at Central Luzon chapters ng PRC.

Idinagdag pa ni Gordon na may foot patrol units din sila na mga medical teams at gagamit ng scooters na magpi-penetrate sa nagsisiksikang mga tao na nakaantabay sa anumang medical emergencies.

Nakaabang na rin umano ang rescue boats sa kahabaan ng Pasig River para sa mabilisang atensyong medikal may kaugnayan sa anumang aksidente sa tubig.

Sinabi pa ni Gordon na magtatayo rin sila ng modular emergency medical unit na may 10-bed emergency room at isang 50-bed ward para sa mga minor injuries kung saan nakaantabay ang Red Cross medical corps.

BASAHIN  3,000 tauhan ng Pasig LGU nakaalerto sa kritikal na water level ng Laguna de Bay

Maglalaan din ang PRC ng psychological first aid, family tracing, hydration support at alalay mula sa mga social workers na magboboluntaryo rin mula sa kalapit na mga ospital.

Maglalagay din ang Red Cross ng 17 first aid stations at welfare desks sa dadaanang ruta particular na sa Quirino Grandstand, Quiapo Church at iba pang lugr tula ng Roxas Boulevard, Ayala Bridge at Quezon Boulevard.

Ang command post nila ay nasa Kartilya ng Katipunan at gagamit sila ng mga kagamitan para s real-time communication para sa maayos na koordinasyon sa lahat ng mga naka-deploy mga boluntaryo.

“Ang Kapistahan ng Poong Nazareno ay selebrayon ng pnnmpalataya at debosyon, ngunit tungkulin din natin na protektahan ang buhay at kaligtasan ng mga deboto,” ang sabi ni Gordon.

“Ilang buwan na naming pinaghahandaan sa Red Cross ang ilang ipapatupad na protocols sa anumang medical cases at inaasahang mga insidente,” dagdag pa ng PRC chairman.

Pakiusap naman ni Dr. Gwen Pang, Secretary General ng PRC, sa mga deboto na magsuot ng bagay-sa-okasyon na damit, sunblock screen, magdala ng bottled water at emergency information card.

IBA PANG BALITA

Nursing student arestado sa robbery extortion

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026...

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026...

‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28...

Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa...

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

4 parke sa San Juan City, smoke-free na

Idineklarang smoke-free ang mga parke na nasasakupan ng San Juan City kabilang ang Pinaglabanan Shrine, San Juan City Public Parks, San Juan City Mini...