Tililing law, Dapat nang ipasa sa senado

Share

HINILING kahapon ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas sa Senado na ipasa nito ang
kanilang bersyon ng panukalang Mental Health Service Act para sa state colleges and
universities (SUCs), habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Mental Health Day.


Naaprubahan kamakailan ng Kongreso ang House bill No. 6416, na kung saan si Vargas ang
principal na awtor. Naglalayon ito na magkaloob ng kinakailangang suporta sa mental health ng
mga estudyante, sa harap nang tumataas na bilang ng suicide sa bansa.


Ayon sa BraboNews research, noong 2019, mayroong 2.2 na suicide sa bawat 100,000
populasyon ng bansa. Sa buong mundo, mahigit sa 700,000 ang nagpapakamatay taon-taon, at
malaking bilang dito ay dahil sa depresyon at sakit sa pag-iisip.

“I ask the Senate to pass its own version of the bill…We must be part of a society which aims
to reduce the entrenched stigma and discrimination on people with mental health problems,”
dagdag ni Vargas.

BASAHIN  Love the Philippines Video, Trabahong Tamad - Salceda


Ayon sa datos ng Department of Health (DoH) tinatayang mayroong mahigit tatlong milyong
Pilipino ang nahaharap sa problema sa pag-iisip, kasama na ang depresyon, manic depressive
psychosis o bipolar disorder, at labis na kabalisahan.


Samantala, ayon sa Department of Education (DepEd), may naiulat na 404 insidente ng suicide
ng mga estudyante, at may nakagugulat na 2,147 pagtatangkang mag-suicide sa school year
2021-2022 pa lamang.


Ang HB No. 6416 ay naglalayung magkaloob ng suporta at support groups para sa mga
estudyante kagaya ng College Campus Task Force (CCTF) para mapag-usapan at makapagbigay
ng payo tungkol sa mga alalahanin ng mga estudyante sa mental at behavioral health sa loob ng
kampus.


Kapag naipatupad na ang CCTF at iba pang programang pang-mental health, titiyakin ng CHEd
at iba pang ahensya ng gobyerno na maiparating ito sa lahat pamantasan at kolehiyo sa bansa,
pampubliko man o pribado.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

EcoProv lamang ang dapat baguhin—Gatchalian

SUPOTADO ni Senador Win Gatchalian ang inihaing resolusyon sa Senado na naglalayong pag-usapan ang mga pagbabago sa Saligang Batas pero tangi lamang sa mga...