MMFF 2023 Best actor: Alden, Dingdong, Piolo, taob sa baguhang artista

Share

Hinirang na Best Actor ang baguhang artista na si Cedrick Juan dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Padre Jose Burgos sa 2023 MMFF film na GomBurZa.

Pinataob ni Cedrick sina Alden Richards, sa pelikulang Family of Two; Piolo Pascual, Mallari; Dingdong Dantes, Rewind; Derek Ramsey, (K)ampon; at Christopher de Leon, When I Met You In Tokyo.

Bago pa ang awarding rites, napaiyak daw si Cedrick dahil napakalinaw daw ng mensahe ng GomBurZa [na nais niyang ipaabot hindi lamang sa fans kundi sa sambayanang Pilipino].

Nagwagi ng tatlong awards ang pelikulang Firefly sa Gabi ng Parangal sa Metro Manila Film Festival, pati na ang 1st Best Picture honor. ‘Wagi rin ito sa Best Screenplay (Angeli Atienza), at Best Child Performer (Euwenn Mikaell).

BASAHIN  Dahil sa Laguna jeepney accident, kailangan talaga ang PUVM—LTO

Ang Firefly ni direktor Zig Dulay, ang kaunaunahan niyang mainstream at MIFF movie; ito ay  tumanggap ng pitong awards. Anim na awards naman ang nakopo ng GomBurZa, pati na rin Best Director (Pepe Diokno) at Best Actor (Cedrick Juan).

Ang iba pang nagwagi: Best Actress – Vilma Santos, sa pelikulang When I Met You In Tokyo; Best Supporting Actor, JC Santos, Mallari; Best Supporting Actress – Miles Ocampo, Family of Two; at Best Original Theme Song, Finggah Lickin mula sa Becky & Badette.

Ayon sa showbiz circles, ang pagkapanalo Cedrick Juan bilang best actor ay magbibigay- inspirasyon sa mga baguhang artista na paghusayin nila ang kanilang pagganap.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Mahigit ₱2-M shabu, nasabat sa isang HVI sa Valenzuela City

Walang kawala ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Valenzuela Police noong Huwebes. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas "Reymond...