33.4 C
Manila
Friday, March 21, 2025

2 ‘mobile precinct on wheels’ roronda sa Marilaque Highway

DALAWANG “mobile precinct on wheels” ang magroronda sa kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger dahilan para paigtingin ng Rizal PNP ang kanilang pagbabantay katuwang ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Land Transporation Office (LTO).

Sinabi ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, na ang nasabing de-gulong na presinto o Blue Cops on Mobile Wheels (BCMW) ay dagdag sa itinayo nilang 7 maliliit na grupo ng mga pulis sa pitong strategic location o lugar na kung saan madalas tambayan ng mga pasaway na motovloggers.

“Actually, ang Marilaque ay 100 kilometers mahigit yan eh. Pero mag-focus lang tayo dun sa tinatambayan ng mga riders, yong mga dangerous curves. Pitong strategic points ang lalagyan natin,” ang pahayag ni Maraggun sa panayam sa telepono ng Saksi Ngayon.

Idinagdag pa ni Maraggun na kaya nangyari ang nasabing aksidente ay dahil sinamantala ng mga riders na umalis ang mga pulis dahil may nirespondehan na insidente sa bayan ng Tanay.

BASAHIN  2 suspek sa rent-tangay modus sa Antipolo, arestado

“Hindi naman natin puwedeng gawin na babantayan sila na parang mga bata. May pulis dyan [sa area] araw-araw lalo na pag weekend. Ngayon ay mas maganda na dahil pati HPG ay kasama na namin,” sabi pa ng provincial director.

Ayon pa kay Maraggun, ang masaklap pa aniya, walang dalang driver;s license ang motovlogger na si na si Motopush o John Louie Arguelles sa tunay na pangalan nang ito ay mamatay sa aksidente.

Matatandaan na naging viral ang isang video kung saan dalawang rider ang nag-uunahan at nagkagitgitan, nawalan ng kontrol at nagkabanggan hanggang sa sumalpok sila sa mga nanonood sa gilid ng highway sa Tanay, Rizal.

Ang binabanggit na pitong lokasyon sa nasabing highway ay paboritong tambayan ng mga rider at motovloggers dahil sa pakurbada nitong bahagi kung saan dito nagkakarerahan habang nirerekord sa video para i-post sa social media.

BASAHIN  Iskedyul ng driver's license renewal ikinasa ng LTO; plastic license cards muling gagamitin

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA