Tulak na sangkot sa road crash, huli sa Binangonan

Share

NALAMBAT ng mga tauhan ng Binangonan Police ang isang lalaki na tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng aabot sa ₱748-K halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. Pantok, Binangonan, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Sa report na nalakap mula sa tangggapan ni Col. Felipe Maraggun,  Rizal Provincial Director, nakilala ang suspek na si Alyas Jonathan, 41-anyos, residente ng Taguig, City. 

Base sa impormasyon mula sa Binangonan Police, napag-alaman na ang suspek ay sangkot sa isang road crash incident sa nasabing lugar nang aksidenteng nabangga nito ang dalawang biktima na  sina Alyas Mariano, 49-anyos at Alyas Ar-Ar, 34-anyos, kapwa nakatira sa Binangonan, Rizal.

Kapwa nagtamo ng mga galos sa katawan ang dalawang biktima sanhi ng aksidente.

Agad na nireport ng mga biktima sa Binangonan Municipal Police Station ang naganap na insidente at base sa kanilang salaysay ay mabilis ang pagmamaneho ng suspek.

Sa pagpunta naman ng kapulisan sa ospital ay positibong tinuro ng mga biktima ang suspek at doon ay nakumpiska ang tinatayang mahigit ₱700,000 halaga ng  shabu nang kapkapan ng rumespondeng pulis ang suspek.

BASAHIN  P183-K shabu nasabat sa lolong tulak

Nakumpiska mula sa suspek ang isang belt bag, coin purse, weighing scale, cellular phone, tatlong piraso ng ₱100 recovered money at apat na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 110 gramo at nasa ₱748,000.00 ang street value.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Binangonan Custodial Facility matapos sampahan ng reklamong Reckless Imprudence resulting in Physical Injury at R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002.

Ang mga ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit (RPFU) para sa laboratory examination.

Sinabi naman ni PCol. Maraggun na “ang pagkakahuli sa suspek ay isa sa dulot ng maganda at masigasig na pagtratrabaho ng buong Rizal PNP. Nangangahulugan din ito na napigilan din natin na mapalaganap ang droga sa ating bayan na isa sa sumisira sa kinabukasan ng ating mamamayan.”

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Mas mabilis na emergency response, hatid ng bagong fire sub-station sa Pasig na ikinasa ng Meralco at BFP

PINASINAYAAN ng Bureau of Fire Protection (BFP), Manila Electric Company (Meralco) kasama ang mga lokal na opisyal ng Pasig ang Meralco Rescue Fire Sub-station...