Inter-Agency IRR para sa Seniors, PWDs kailangan

Share

SINABI nitong Pebrero 1 ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na
kailangang ang paglikha ng memorandum circular para mapahusay ang pagpapatupad
ng Republic Act (RA) No. 9994.


Mapapahusay pa raw ang pagpapatupad ng RA 9994 o ang “Expanded Senior Citizens
Act of 2010” at RA 10754 o an “Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs” sa
pamamagitan nang paglikha at pagpapatupad ng combined IRR o implementing rules
and regulations tungkol dito.


Matutugunan daw ang maraming isyu tungkol sa pagpapatupad ng naturang mga
batas sa joint-inter-agency IRR ng Bureau of Internal Revenue, Department of Trade
and Industry, Department of Social Welfare and Development, Land Transportation
Franchising and Regulatory Board, at iba pang ahensya ng gobyerno.


“Many of the suggestions presented during the joint House hearings on the availment
of discounts for PWDs, seniors, and solo parents do not need new legislation… I
appeal to President Ferdinand Marcos Jr. to direct these agencies to resolve the
administrative issues among themselves,” ani Herrera.

BASAHIN  Bulok ang budget system ng bansa – Koko


Ginawa ni Herrera ang apela sa harap ng dumaraming mga reklamo sa mga
establisyemento na hindi nagbibigay ng discounts sa seniors, PWDs, at single parents.


Matatandaan na kamakailan, ipinatawag sa Kongreso ang pamunuan ng StarBucks
Café dahil sa post nito sa mga pintuan ng resto na ang seniors at PWD discounts ay
para lamang sa isang order ng kape o drink at isang sandwich. Nag-sorry ang
StarBucks at inalis na ang nakapaskel, pero nagawa na ang perhuwisyo sa maraming
seniors at PWDs.


Sinabi ng isang netizen na hindi tanga ang pamunuan ng Starbucks para sabihin nito na
mali lamang ang pagkakasulat sa post nito; nagpapalusot lang daw ito.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Dapat mas maraming ngipin ang MTRCB – Chiz

SUPORTADO ni Senador Chiz Escudero ang panukalang magpapalakas atmagbibigay-ngipin sa Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB), kasama na ang kapangyarihan na i-block ang...