Nalambat ng Pasig City Police ang kinikilalang high value individual matapos ang patuloy sa pagsugpo sa kampanya kontra sa illegal drugs sa ikinasang buy bust operation kahapon ng umaga sa Barangay Bambang.
Kinilala ni Pasig City Police Chief PCol. Celerino Sacro ang suspek na si alyas “Taga”, 55-anyos, high school level, construction worker at residente ng Brgy. Bambang na inaresto bandang 11:20 kahapon ng umaga .
Sinampahan ng paglabag sa Sections 5 and 11 Art. II ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek matapos ang serye ng isinagawang surveillance katuwang angga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO).
Nakumpiska mula sa suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 10 gramo ang timbang na nagkakahalaga ng P68,000.00, isang black pouch at dalawang P100 genuine bill bilang buy-bust money na dinala sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso