Wanted na Chinese, naaresto sa Pasay City

Share

Arestado ang isang Chinese national na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operations ng mga otoridad nitong Huwebes, sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Dinakip ng Pasay City Police, si alyas ‘Ching,’ Chinese national, 25-anyos, na Rank 6 sa Most Wanted Person lists, sa bisa ng Warrant of Arrest nq inisyu ni Hon. Jose Janello A. Covarrubias, Presiding Judge ng Municipal Trial Court (MTC), Branch 47, Pasay City, na may petsang October 13, 2023.

Nahaharap ang akusado sa kasong three counts of Attempted Homicide, at inirekomenda ang ₱72,000 na halaga ng bail para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

BASAHIN  Wanted na biyenan mula Masbate, arestado sa Taytay

Mayroon din itong kasong Robbery by Use of Force Upon Things, na may recommended bail na ₱72,000, na inisyu ni Hon. Elenita C. Dimagula, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 298, Pasay City, na may petsang July 6, 2023.

Sa ngayon ay nakapiit ang akusado sa Pasay City detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Agriculture sector naghihingalo na – Recto

NAGHIHINGALO!Ganito inilarawan ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang sektorng agrikultura. Sa isang TV interview kamakailan, sinabi ni Recto na kailangan daw...