High value target nalambat sa Pasig

Share

Nalambat ng Pasig City Police ang kinikilalang high value individual matapos ang patuloy sa pagsugpo sa kampanya kontra sa illegal drugs sa ikinasang buy bust operation kahapon ng umaga sa Barangay Bambang.

Kinilala ni Pasig City Police Chief PCol. Celerino Sacro ang suspek na si alyas  “Taga”, 55-anyos, high school level, construction worker at residente ng Brgy. Bambang na inaresto bandang 11:20 kahapon ng umaga  .

Sinampahan ng paglabag sa Sections 5 and 11 Art. II ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek matapos ang serye ng isinagawang surveillance katuwang angga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO).

BASAHIN  Hepe ng Rodriguez Police sibak sa 'mistaken identity’

Nakumpiska mula sa suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 10 gramo ang timbang na nagkakahalaga ng P68,000.00, isang black pouch at dalawang P100 genuine bill bilang buy-bust money na dinala sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Huling habilin ni Kris kina Joshua, Bimby?

HUMINGI ng dasal si Kris Aquino kaugnay sa kanyang laban sa kanyang mga sakit, habang nagbigay siya ng tila huling habilin sa mga anak...