Mag-ama huli sa pamamaril sa pulis, 2 pang kaanak hinahanap

Share

Arestado ng mga tauhan ng Taytay Police ang mag-ama habang pinaghahanap pa ang dalawang kaanak matapos pagtulungang bugbugin at agawin ang kanyang service firearm at iputok sa kanya ng apat na suspek habang kumakain ang biktima sa isang tapsihan, kahapon ng madaling araw sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Kinukundena ni  Rizal Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol. Rainerio De Chavez, ang walang awang pagpatay kay PSSg Allan Guimpayan.

Naaresto naman sa isinagawang hot pursuit operation ang mag-ama na sina Caoso Poblador Belda Sr., alyas Pulding at Dexter Poblador Belda alyas Bibe habang pinaghahanap naman sina Caroso Poblador Belda Jr.  Eleo Poblador Belda.

Nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Warrant Section ng Taytay MPS nang makaramdam ng gutom si Guimpayan at kumain mag-isa sa  Kamunyang Tapsihan and Pares sa Blk 7, Purok 2, Sampaguitan Ave., C6 Road Lupang Arenda, Brgy. Sta.Ana, Taytay, Rizal bandang 12:50 Huwebes ng madaling araw.

BASAHIN  Helper kulong sa pagnanakaw ng imported na alak sa Malabon

Ayon sa report, habang kumakain mag-isa ang biktima ay nilapitan siya ng isang grupo ng kalalakihan kabilang ang dalawang naarestong suspek at dalawa pang kaanak at walang awang pinagtulungang bugbugin at agawin ang kanyang service firearm at ipinutok sa kanya ng paulit-ulit na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na si Alyas Pulding ay may dati ng nakulong sa paglabag sa  RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, Illegal Discharge of Firearms, BP 6, at PD 1602.

Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation  ang  Taytay MPS at Rizal PPO-PIU para sa mabilis na paghuli sa mga suspek Kasalukuyang nakakulong ang dalawang akusado sa  Taytay Custodial Facility habang inihahanda ang mga dokumento sa kinahaharap na kaso.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Abril ng bawat taon, balak gawing “Basketball month”

BALAK ideklarang basketball month ang Abril ng bawat taon. Ito ay isinusulong sa pangunguna nina Rep. Faustino Michael Carlos Dy, chair, Committee on Youthand Sports...