₱2-M halaga ng shabu nasabat sa Marikina buy-bust

Share

HIGIT P2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police Station sa isinagawang buy-bust operation, Lunes, Hunyo 17, 2025 dakong alas-10:40 ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ng bagong talaga na chief of police ng Marikina CPS na si PCol. Geoffrey Fernandez ang suspek na si alyas “Robin,” 32, at residente ng San Mateo, Rizal at nakatala bilang high-value individual (HVI).

 Ayon kay Hernandez, ang suspek ay datri nang naaresto sa kahalintulad n akaso noong Agosto 2022 kung saan narekober s akaniya ang 55 gramo ng shabu na may street value na 374,000.

BASAHIN  Top 2 most wanted person ng Samar, timbog sa Valenzuela

Sinabi pa ng bagong hepe ng Marikina City Police Station na nakumpiska kay “Robin” ang siyam na heat-sealed plastic sachets at 4 na knot-tied plastic bags na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga.

Idinagdag pa ni Hernadez na humigit kumulang 295 gramo ng shabu ang suspek at aabot sa 2,006,000 ang tinatayang halaga, isang magandang “pasalubong” sa kaniya bilang bagong hepe ng Marikina CPS.

Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Marikina City Police Station ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ng 2002 sa Marikina City Prosecutor’s Office.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

5 vendors sa rambolan sa Barangay Kapasigan, sinampahan na ng kaso

TULUYAN nang sinampahan ng kaso ang limang lalaking vendors na sangkot sa nangyaring rambolan, kamakailan malapit sa Plaza Bonifacio sa Barangay Kapasigan. Kinilala ni...