Obrero huli sa P102-K shabu

Share

Kulungan ang bagsak ng isang obrero matapos  malambat sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng P102,000 halaga ng shabu, Linggo ng madaling araw sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City Police Chief Celerino Sacro, Jr. ang suspek na si alyas Ambo, 37-anyos, construction worker at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City na kinasuhan ng  paglabag sa Sections 5 at 11 Art. II ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa report, naganap ang buy bust operation bandang 3:40 Linggo ngadaling araw sa Market Avenue, Brgy. Palatiw, Pasig City nang makipagtransaksyon ang isa sa tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) para  makabili ng droga sa suspek.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system

Agad na hinuli ang suspek matapos ang palitan ng droga na kung saan ay nakumpiska ang tatlong sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, isang black pouch at buy-bust money.

 Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa EPD-Forensic Unit sa  Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Mayorya ng mga Pilipino, sasalubungin ang 2024 nang may pag-asa

Siyamnaput anim na porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang bagong taon nang may pag-asa. Batay sa survey ng Social Weather Stations, mas mataas ang...