Bebot na top 9 most wanted sa Navotas, arestado

Share

Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas City Police ang isang 33-anyos na bebot na listed bilang top 9 most wanted sa kaso ng illegal na droga sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang akusado bilang si Nimfa Mercado, residente ng No. 379, Brgy. NBBN.

Sa report ni Col. Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang WSS na huli at nakakulong sa BJMP Female Dorm, Rodriguez, Rizal si Mercado sa hindi nabanggit na kaso.

Dahil may nakabinbing na warrant of arrest si Mercado at nasa top 9 most wanted  sa Navotas City ay agad nagtulak ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan patungong Rodriguez, Rizal upang isilbi sa kanya ang arrest warrant.

BASAHIN  Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

 Pagdating ng grupo ay agad silang nakipag-ugnayan sa BJMP Female Dorm ng Rodriguez, Rizal na matatagpuan sa Tanguile Street saka isinilbi kay Mercado ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronald Q Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288 ng Navotas City na may petsang  May 19, 2023, para sa paglabag sa Section 11 and 12, Art. II of RA 9165.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

‘Pinas, kulelat na naman sa Reading, Math, Science

Kulelat na naman ang Pilipinas pagdating sa reading, mathematics, at science. Sa inilabas na datos ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) and Program...