Dahil ‘bago ang script na ito,’ kasuhan nyo ako—VP Sara

Share

HINAMON ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kaniyang mga kritiko na kasuhan siya ng mga ito sa korte matapos lumabas ang akusasyon na dawit umano siya sa Oplan Tokang sa Davao City.

“Sa nag-aakusa sa akin kasama ang mga nakapalibot sa taong ito, kasuhan nyo ako,” giit ni Duterte-Carpio.

Ang tinutukoy ni VP Sara ay ang kamakailang rebelasyon ni Arturo Lascañas, isang dating pulis kung saan pinagbebentangan nito ang pangalawang pangulo na nasa likod ng Davao Death Squad at “Oplan Tokhang,” nang ito ay alkalde pa sa nasabing lungsod.

“Ayon sa isang nagpakilalang testigo, may kinalaman umano ako sa Oplan Tokhang, sa Davao Death Squad, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao,” saad ni Duterte-Carpio.

“Bago ang script na ito. Sa maraming taon na naglingkod ako bilang vice mayor at mayor ng Davao City, kailanman ay hindi nadawit ang pangalan ko sa isyung ito,” ayon sa inilabas na pahayag ng pangalawang pangulo.

Batay sa huling impormasyon, isinama ang pangalan ng pangalawang pangulo na iimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa isinagawang ‘war on drugs’ sa panahon ng panunungkulan ng kaniyang ama, ang dating pangulo na si Rodrigo Duterte.

BASAHIN  Seguridad ng urban poor sector palalakasin

“Bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa akin nang mahalal ako na Vice President. At kabilang na nga ako ngayon sa mga akusado sa International Criminal Court,” saad ni VP Sara.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo: “Maliban sa tiyempo, malinaw na sadyang pinilit lang na maidugtong ang pangalan ko sa isyung ito para ako maging akusado sa ICC.”

Pangingialam aniya sa ating hudikatura at panghihimasok sa soberanya ng bansa ang ginagawang pagpupumilit ng ICC upang mag-imbestiga.

“Paglapastangan ito sa dignidad ng mga Pilipino at sa karangalan ng Pilipinas,” giit pa ni Duterte-Carpio.

“Wala na itong debate, sa testigo at mga tao na nakapalikod sa kanya mag-file kayo ng kasong murder laban sa akin dito sa Pilipinas,” pagtatapos ni VP Sara.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

House panel approves bill strengthening PCUP and urban poor rights

THE House Committee on Poverty Alleviation has approved House Bill 9219, known as the PCUP Strengthening Act. Authored by Rep. Marivic Co-Pilar, the landmark legislation...