3 tulak laglag sa ₱400-K shabu sa San Mateo

Share

LAGLAG ang tatlong lalaki matapos maaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng San Mateo Police Station, Linggo ng madaling araw sa Brgy Ampid, San Mateo, Rizal. 

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Rizal Provincial Police Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, nakilala ang mga suspek na sina alyas Makoy, 31-anyos, driver, alyas Toto, 39-anyos at alyas Koko, 40-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek bandang 3:28 Linggo ng madaling araw matapos ang ikinasang buy-bust operation at naaresto ang mga suspek.

Nasabat ang nasa 60.85 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱413,780.00 matapos ang pakikipagtransaksyon sa isang pulis na umaktong buyer at inaresto matapos ang palitan ng ebidensya.

BASAHIN  Puwersa ng EPD kasado na sa EDSA anniversary

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Kasal nina Bea Alonzo, Dominic Roque, kanselado

WALA ng kasalang magaganap kina Bea Alonzo at Dominic Roque, and it’s probablyfinal. Ito ang kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang programang programang “Fast Talk...