Manyak na Indian national nalambat sa Rizal

Share

NALAMBAT ang isang Indian national na kabilang sa listahan ng Most Wanted Person ng Pililla Municipal Police Station matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong lascivious conduct, kamakalawa ng umaga.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Provincial Director ng Rizal PNP na si Police Colonel Felipe Maraggun, nakilala ang akusado sa alyas na “Ajay”, Indian National, 28-anyos, residente ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Inaresto si Ajay sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu Presiding Judge Hon. Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Regional Trial Court, Branch 166, Siniloan, Laguna sa kasong 3 counts sa crimes of lascivious conduct at walang inirekomendang piyansa para dito.

Bandang 8:30 Biyernes ng umaga nang arestuhin ang Indian nationa sa kahabaan ng Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal makaraang magsagawa ng operasyon laban sa Most Wanted Person ang mga tauhan ng Pililla Municipal Police Station na nag resulta sa pagkakaaresto sa suspek.

BASAHIN  2 holdaper arestado sa Malabon

“Sa ilalim ng pinaigting na Patrolya sa Bayan ay malaki ang naging epekto nito sa mga operasyon ng ating pulisya sa Rizal para labanan ang mga ilegal na gawain at mapanagot ang mga personalidad na nag tatago sa batas kung saan katuwang natin ang iba’t-ibang sector ng lipunan upang sama-sama nating sugpuin ang kriminalidad sa ating probinsya at makamtan natin ang mas ligtas at progresibong lalawigan ng Rizal”, ayon kay PCol. Maraggun.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

PAF, tagapangalaga ng ating teritoryo sa harap ng banta

PAF, tagapangalaga ng ating teritoryo sa harap ng banta KINILALA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Lunes angmahalagang papel ng Philippine Air Force sa...