Nakumpleto ng aabot sa 150 barangay health workers (BHWs) sa Valenzuela City ang kanilang Barangay Health Service National Certification II (NC 11) training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sumailalim sa malawakang pagsasanay, lectures, at demonstrasyon ang mga BHWs upang mapahusay ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga kasanayang ito ang basic first aid,
community development framework, mga interbensyon sa komunidad, at agarang pagtugon sa mga emergency situation.
Ipinagmalaki naman ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang lahat ng BHWs trainees na nakapasa sa TESDA assessment.
“Sa ating ALS Building sa Parada, ay pinaparenovate ko po dahil gusto ko na pong magkaroon ng permanenteng eskwelahan para sa mga BHW, hindi lang para sa Valenzuela kundi pang buong Pilipinas,” ayon kay Mayor Wes.
Samantala, kasabay ng paggawad ng NC II certificates, kinilala naman ng City Health Office ang mga BHW na nasa 10, 15, at 20 taon na sa serbisyo.