DEKADANG NAGTAGO | Carnapper sa Pasig arestado sa Rizal

Share

ARESTADO ang isang company driver na suspek sa carnapping sa isinagawang operasyon ng Cainta Municipal Police Station Warrant Tracker Team, bilang lead unit, katuwang ang Provincial Highway Patrol Team-Rizal, sa Taytay, Rizal, Hunyo 2, 2025.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun ang suspek na si alyas Mario, 53, residente ng Brgy. San Juan ng nasabing bayan at itinuturing na most wanted person ng Rizal PNP.

Ayon kay Maraggun, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa R.A. No. 6539 o Anti-Carnapping Act, na may inirekomendang piyansa na halagang P180,000.00.

Batay sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap noon pang 2013, kung saan itinakbo umano ng akusado ang minamanehong taxi sa Pasig City.

BASAHIN  Delivery rider nahulihan ng ₱1.6M marijuana sa Pasig

Dahil dito, sinampahan siya ng kasong carnapping ng operator ng taxi at nagkubli sa batas sa loob ng mahigit isang dekada.

Nang tanungin siya ng mga awtoridad kung nasa kaniya pa ang nasabing taxi, palusot ng suspek ay iniwan din daw niya sa Pasig ang minamanehong taxi sa hindi malamang dahilan.

Kasalukuyang nakakulong pansamantala ang suspek sa Cainta Custodial Facility para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at ayon kay Maraggun, hindi titigil ang Rizal PNP hangga’t hindi natitiyak ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan sa buong lalawigan.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Escudero pa rin bilang Senate president

TULAD ni Congressman Martin Romualdez na nahalal muli bilang House speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, muli ring nahalal bilang Pangulo ng senado si...