DACU sinipat bentahan ng motor sa CaMaNaVa

Share

Sinipat at naka-monitor ngayon ang mga tauhan ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police para ma-monitor ang mga nagbebenta ng motorsiklo at mga gumawa ng proactive measures laban sa iligal na kalakalan ng mga second hand motor vehicle at motorcycle parts sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela(CaMaNaVa).

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, kailangang ma-monitor ang mga tindahan ng motorsiklo ipang malaman kung may nagaganap na illegal sa kanila o lumalabag sa Anti Fencing Law, alinsunod sa Presidential Decree 1612.

Binisita ng DACU ang lahat ng tindahan ng sasakyan at motorsiklo na nagbebenta at bumibili ng mga secondhand parts kasabay ng pah-inspeksyon sa anumang illegal activities at hinanapan ng kaukulang papeles kung sila ay sumusunod na naaayon sa  batas.

BASAHIN  Abalos, suportado ang pagsibak sa Mandaluyong police chief

Una nang nasimulang inspeksyunin ang ilang tindahan  sa Caloocan at Valenzuela City at isusunod ang Malabon at Navotas.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Senior Citizen dinampot sa pagma-mahjong

Trending ngayon sa social media ang ginawang paghuli ng Quezon City Police sa dalawang Senior Citizen at ikinulong pa nang maaktuhan na naglalaro ng...