Bill na naglalayong maiwasan ang teenage pregnancy, inaprobahan 500 teenagers, nabubuntis bawat araw

Share

INAPRUBAHAN ng Kongreso kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 8910,
sa botong 232, nang walang tumutol, at wala ring abstention.


Ang HB 8910 ay naglalayung maiwasan ang teenage pregnancies at maprotektahan ang mga
batang ina.


Nais ng Kongreso – sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez – na masolusyunan
ang lumalalang problema sa maagang pagbubuntis ng teenagers, pati na mga bata. Ito raw ay
lumilikha ng seryoso, pangmatagalang problema hindi lang sa ina at sanggol, kundi maging sa
pamayanan.


Lumala pa raw ang teenage pregnancy magmula nang nagsimula ang Covid-19 noong 2020, dahil
lahat ng tao, lalo na ang mga kabataan, ay dapat manatili sa tahanan.


“The social cost of this issue and the negative impact on the national budget could run into billions -in terms of the government having to take care of young mothers and their babies. There is also the human development aspect,” saad ni Romualdez.

BASAHIN  AirAsia Ph target ang Gen Z, millenials, at pamilya


Dapat daw ihanda ng estado ang kabataan para sa isang malusog na buhay-adolescent at buhay-
adulto, pati na rin ang pagiging responsibleng magulang sa pamamagitan nang pagtuturo sa kanila nang wastong moral at sexual values.


Sinipi ni Rep. Edcel Lagman, 1D, Albay, ang 2020 UN Population Fund Report, na nagsasabing
mahigit daw sa 500 kabataang babae ang nabubuntis o nanganganak araw-araw sa bansa, at
umabot na sa mahigit 182,500 kanila ang nanganganak bawat taon. Halos P33 bilyon bawat taon
ang epekto sa ating ekonomiya nang maagang pagbubuntis.


Samantala, ayon sa UN Women Asia and the Pacific, noon daw 2020, sa kasagsagan ng
pandemic, umabot sa mahigit 102,000 kabataang babae ang nanganak sa bansa.


Dahil sa ganitong problema, inaasahan na kaagad lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ang HB No. 8910 para maging isang ganap na batas.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...