Palpak na flood control projects sa Pasig isinisi ni Sotto sa mga Discaya

Share

HINDI man direktang pinangalanan, muling pinasaringan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaugnay sa naranasang pagbaha sa lungsod nitong nagdaang mga linggo dala ng hanging habagat at tatlong magkasunod na bagyo.

Ang nasabing pasaring ay binanggit ng alkalde sa flag raising ceremony kaninang umaga bilang bahagi ng kaniyang komento kaugnay sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 28 kung saan tinalakay ng pangulo ang mga kapalpakan ng mga flood control projects sa bansa.

“’Yong sa Pasig, alam nyo naman po siguro kung sinong yumaman sa Pasig dahil sa ganung klaseng kalakaran. Yong maraming kumpanya na…ano ba, yong mga [ipinangalan sa] santo. Ayan alam naman po natin di ba? Public record naman po ito kaya puwede nating sabihin,” ang pahayag ni Sotto.

Hindi kaila sa marami na ang mag-asawang Discaya ay kontraktor ng malalaking proyekto sa imprastraktura sa bansa at nagmamay-ari ng kumpanya na ipinangalan sa santo tulad ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation.

“Gusto ko lang po i-assure ang bawat isang Pasigue؜ño na hindi natin sila tatantanan. Sa parte natin, dun sa nabanggit ko nung ating inauguration, na pagbayad nila ng buwis. Kasi isipin po natin ‘they really have blood on their hands,’” dagdag pa ng punong lungsod.

Ipinahiwatig pa ni Sotto na may papel ang mag-asawa sa naranasang pagbaha hindi lamang sa Pasig kundi sa iba pang bahagi ng bansa na posibleng resulta ng may ‘kapalpakang’ ginawang flood control projects ang kumpanya na pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya.

BASAHIN  Manila Post Office, natupok

“Yong nakikita nating pagbaha, malaking bahagi nila dito hindi lang sa Pasig, hindi lang sa NCR, kundi sa buong Pilipinas,” ayon pa kay Sotto.

Inutusan din ng alkalde ang city administrator’s office na ituloy ang pag-iimbestiga sa iba’t ibang proyekto at negosyo ng mag-asawang Discaya lalo na umano may kaugnayan sa pagbabayad ng buwis na ayon kay Sotto ay maiaambag ng LGU sa pamahalaang nasyunal.

“Tingnan natin lahat ng kontrata nila. Tingnan natin yong mga utang nila sa BIR, tingnan natin yong utang sa LGU. Isa-isahin natin kasi dun pa lang sa nakikita natin bilyun-bilyon kada kumpanya. Bilyun-bilyon pero minsan may declaration sila na zero gross revenue pero proyekto sa DPWH 10, 20, 30, 40 bilyon,” giit pa ni Mayor Vico.

“Walang pulitika ito. Sila naman yong pilit na pumapasok sa pulitika pero walang pulitika yong ginagawa natin, katotohanan lang,” dagdag pa ng alkalde.

Matatandaan na naging mahigpit na kalaban ni Sotto si Sarah Discaya sa pagka-alkalde ng Pasig nitong nagdaang Mayo 12, 2025 eleksyon kung saan nanalo ang buong ‘Giting ng Pasig’ na grupo ni Sotto.

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...

Hepe ng Rodriguez Police sibak sa ‘mistaken identity’

Sibak na sa tungkulin bilang pagtugon sa command responsibility ang hepe ng Rodriguez Police  matapos pumalpak ang kanyang tauhan sa pagbarik sa isang 15-anyos...