Kinidnap na sanggol sa ospital sa Marikina nabawi na

Share

NABAWI na ng 20-anyos na ina ang kaniyang sanggol na isinilang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Disyembre 25, 2026 na kinidnap kinabukasan ng isang nakunan umano na ina at iniuwi sa kanilang bahay.

Sa isinagawang follow up operation ng Marikina PNP, sinuyod nila ang mga kuha mula sa CCTV ng ospital at iba pang ospital na pinuntahan ng suspek hanggang sa matunton ito sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig, Disyembre 29.

Batay sa inisyal na imbestigasyon na pinangunahan ni PCol. Jenny Tecson, chief of police ng Marikina City, nagawa umanong dukutin ng hindi pinangalanang suspek ang bata dahil sa nakunan na ito ng dalawang beses.

Dahil sa takot na walang maiuuwing anak sa mga magulang bilang unang apo, pinlano umano ng suspek na kumuha na lang ng ibang bata, na kinumpirma naman ng mga kaanak na buntis nga ito at manganganak na rin ngayong Disyembre ngunit hindi nila alam na nakunan na naman pala ito.

Sinabi pa ni Tecson na nag-damit nurse umano ang suspek, pumasok sa kuwarto ng mga bagong panganak at nagtanong kung sinong mga nanay ang hindi nakapagpa-newborn screening ng kanilang anak.

Tatlong nanay umano ang nagtaas ng kamay ngunit ayaw ibigay ng dalawa ang kanilang anak at dahil naalimpungatan, kusang ibinigay ng biktima ang kaniyang sanggol.

Naalarma na umano ang biktima nang hindi pa naisasauli ang kaniyang anak sa binanggit na oras ng suspek na nagpakilalang nars kung kaya ipinagbigay-alam na nila ito sa pamunuan ng ospital.

BASAHIN  Wanted ng rape sa Valenzuela nalambat sa  Laguna

Kahit na pinagbawalan umano sila ng ospital, nanawagan pa rin ang lolo ng sanggol sa local news outlet na Philippine Insider News kung kaya nag-viral ito na napanood ng higit isang milyong katao.

Inamin ng suspek na matapos mapanood ang panawagan, balak niya umanong kontakin ang ina ngunit nadaig ito ng takot, at nang magkita, humingi ito ng paumanhin at sinabing inalaagaan umano niya ng mabuti ang bata.

Idinagdag pa ni Tecson na case-closed na umano ang kaso dahil kusang sumuko ang kumuha at na nabawi naman ang sanggol ngunit iminungkahi niya na ipasuri ang mental na kalagayan ng suspek.

Sa December 30 press conference kasama ang Department of Health (DOH), itinanggi ni Tecson na ang suspek ay miyembro ng isang sindikato na nandudukot ng mga sanggol at bata para ibenta.  

Inamin naman ng pamunuan ng ospital na mukhang inaral umano ng suspek kung papaano gumagalaw ang seguridad sa ospital kung kaya’t nakalusot ito sa mga medical staff at security guards at nangakong dadagdagan pa nila ang paghihigpit sa kanilang paggamutan.

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na dahil malaking tulong ang CCTV footages, iuutos niya sa lahat ng pampublikong ospital at iminungkahi sa mga pribado at ospital na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan na magdagdag pa ng security cameras sa kanilang mga pasilidad.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Masisilungan ng riders, hiniling sa gas stations, delivery companies – MMDA

HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suporta ng ride-hailingcompanies (gaya ng Grab, Lalamove, Angkas, atbp.), at mga gasolinahan para sa proyekto samotorcycle...