Hawi boys ni Pia Wurtzbach, ipinahiya ang national artist?

Share

NAG-VIRAL kamakailan sa social media ang panghawi ng marshal ni Pia Wurtzbach kay
National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee.


Nangyari ito kamakailan sa launching ng aklat na Queen of the Universe sa Manila
International book Fair sa SMX Convention Center, Pasay City.


Makikita sa nag-viral na video na si Pia ay naglalakad papuntang stage habang napaliligiran
nang security team.


Akmang kakamayan si Pia ni Lee nang biglang hinawi ang kamay nito, kaya napahiya ang 75-
year-old na national artist.


Mariing binatikos dito si Wurtzbach ng maraming netizens lalo na ang senior citizens na
nakapanood sa pambabastos nang nasabing marshal.

BASAHIN  Hulihin, gumagamit ng kotseng may plakang ‘8’


Ayon sa ilang netizens, hindi ito ang unang pangyayari na nanghawi at nambastos ang ilang
marshals na kung minsan ay nanunulak o nakasasakit pa.


Nag-sorry daw si Pia kay Lee pero hindi malinaw kung pinagsabihan niya ang sangkot na
marshal.


Sinabi ni Boy Abunda na hindi raw ito kasalanan ni Wurtzbach at humingi na nang tawad sa
nangyaring ito.


Dagdag pa ni Abunda, “So, naayos na ito pero leksyon ho sa atin dahil importante na tinatrato
ho natin – well, number one, seniors, at number two, this was a book fair, this was a cultural
event (for the public).”

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...