Wanted ng rape sa Valenzuela nalambat sa  Laguna

Share

Nalambat sa Cabuyao, Laguna ang  kinikilalang No. 10 Top Most Wanted District Level (NPD) at Top No. 5 Most Wanted Person Station Level ng Valenzuela  City Police sa isinagawang manhunt operation.

Sa report na nakuha mula sa tanggapan ni PBGen. Rizalito Gapas,  District Director ng Northern Police District (NPD), nakilala ang suspek na si Chirre Gard David y Roxas, 20-anyos, residente ng Norzagaray, Bulacan na kabilang sa listahan ng  No. 10 Top Most Wanted District Level (NPD) at Top No. 5 Most Wanted Person.

Ayon kay Valenzuela City Police Station (VCPS) chief of police PCol. Salvador Destura, nagsagawa ng intensified manhunt operation and operational research on the Wanted Person ang Warrant of Arrest team  at naaresto ang akusado bandang 1:20 Sabado ng happn sa kahabaan ng Pulo Diezmo Road, Cabuyao, Laguna.

BASAHIN  Kulong na, may asunto pa

Inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mateo Altarejos, Presiding Judge, Family Court, Branch 16, Valenzuela City na may petsang August 17, 2023, sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Art. 266-A ng Revised Penal Code.Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Valenzuela custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Lalaking kabilang sa Most Wanted Person ng Valenzuela City, timbog sa Bulacan

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa Valenzuela City sa ikinasang manhunt operation sa kanyang pinagtataguan lugar sa...