Tulong sa mga apektado ng pagbaha sa Maguindanao del Sur, inihatid ng PCSO ora-mismo

Share

BILANG tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kauna-unahang ahensya ng pamahalaan na nagpadala ng tulong sa libu-libong residente ng Maguindanao del Sur na apektado ng matinding pagbaha.

Agad na nagsagawa ng relief operations ang PCSO sa mga evacuees ng bayan ng Datu Piang-isa sa mga pinakaapektadong lugar ng kalamidad kung saan 1,000 food packs ang naipamahagi sa pakikipagtulungan ng Datu ZPiang PNP.

Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na inatasan nila ang 5A Royal Gaming OPC, isangf authorized agent, sa Maguindanao del Sur na manguna sa distribusyon ng mga food packs na naglalaman ng 5 kilong bigas, de-lata, instant noodles at inuming tubig.

BASAHIN  Magnitude 5 na lindol, niyugyog ang Sarangani

Ayon pa kay Robles, 2,500 Charitimba relief bags ang nakatakda pang ihatid via airlift upang madagdagan ang tulong sa mga biktima ng kalamidad.

“Hindi kami titigil hangga’t hindi nasisiguro na lahat ng biktima ng pagbaha ay nabibigyan ng kinakailangang pagkain at tulong-medikal,” pahayag ni Robles.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng munisipyo ng Datu Piang, tinatayang halos 8,000 pamilya mula sa 16 na barangay ang apektado ng matinding pagbaha.

Matapos ang pagsusuri, agad na isinailalim sa state of calamity ang Datu Piang matapos ang walang humpay na pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nagdulot ng malawakang pagbaha sa bayan.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Ilegal, pamimigay-ayuda ng senador, kongresista

UNCONSTITUTIONAL, ILLEGAL! Ganito inilarawan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pakikialam ng mga senador at kongresista sa tungkulin ng DSWD sa kanilang pamimigay ng...