Tambay arestado matapos maaktuhang nagbebenta ng granada sa Valenzuela City

Share

Sa kulungan ang bagsak ng isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Marlon Dela Cruz, 29-anyos, at residente ng Doque St., Barangay Malanday.

Batay sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Malinta Police Sub-Station 4 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Doddie Aguirre mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaki na nagbebenta umano ng granada sa Makisig St., Area 1, Pinalagad, Barangay Malinta.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng SS4 sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan kung saan nakita nila ang suspek na may kausap na isang lalaki habang may hawak na granada dakong alas-10:30 ng umaga.

BASAHIN  ₱700-K shabu nasabat sa 3 tulak sa Parañaque

Nilapitan siya ni PSMS Santillan saka inaresto at nakumpiska sa kanya ang hawak na isang Grenade Hand Fragmentation MK2 HE bago humingi sila ng tulong sa Station Explosive and Canine Unit para ligtas at maayos na maturn-over ang nasabing pampasabog.

Ipinadala naman ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., sa Regional Explosive Canine Unit ng National Capital Region Police Office ang granada upang ito ay masuri.

Kinasuhan na ng paglabag sa RA 9516 o Illegal/Unlawful Possession of Explosive ang suspek.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy

DAPAT ₱100 ang idagdag sa sahod. Ito ang nais mangyari ni Senador Jinggoy Estrada, matapos niyang isulong sa Senadoang Senate Bill (SB) No. 2534 o...