Lalaking kabilang sa Most Wanted Person ng Valenzuela City, timbog sa Bulacan

Share

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa Valenzuela City sa ikinasang manhunt operation sa kanyang pinagtataguan lugar sa Marilao, Bulacan.

Batay sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section na nagtatago umano ang akusadong si alyas “Jose” sa naturang lugar.

Bumuo ng team si WSS chief P/Lt. Ronald Bautista, katuwang ang mga tauhan ng Northern Maritime Police Station, Navotas City, sa pangunguna ni PCMS Miguel Perez lll saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:20 ng hapon sa Beverly Homes 1, Barangay Prensa 2, Marilao, Bulacan.

BASAHIN  January 23, 2024, idineklarang non-working day sa Bulacan

inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 172, Acting Presiding Judge Mateo Altarejos noong January 12, 2024, para sa dalawang bilang ng Sexual Assault under Art. 266-A 2 of the RPC in relation to Sec. 5 B of R.A. 7610, as amended by R.A. 11648.

Dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago tinurn-over sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Paslit ligtas, hostage taker kulong

Kulong ang isang 34-anyos na hostage taker matapos na sumuko sa nagrespondeng Pasig Police makaraang palibutan ng mga otoridad nang pumasok sa isang bahay...