Revision, hindi amendment, ang isinusulong ng People’s Initiative

Share

NILINAW ni retired Supreme Court associate justice Adolfo Azcuna na ang isinusulong ng mga nasa likod ng kontrobersyal na People’s Initiative sa 1987 Constitution ay hindi isang amendment, kundi revision.

Ito ay dahil sa pagpapalit ng anyo ng ating gobyerno mula sa bicameral tungo sa unicameral. Sinabi niya ito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms nitong Martes.

Si Azcuna ay isa sa mga naging miyembro ng Constitutional Commission na lumikha ng 1987 Constitution.

Bukod pa rito, idiniin niya na ang partisipasyon ng Senado sa isang prosesong lehislatibo ay kailangang para matawag itong an “act of Congress”.

“Let’s say you have 315 representatives and 24 senators. You have 339 in all and three-fourths of that is 254. Of the 254, 18 has to be senators. Otherwise, it’s not an act of Congress,” ayon kay Azcuna.

BASAHIN  Huwag tanggalan nang pondo ang SUC scholars - CHEd

Idinagdag pa niya na kapag walang quorum ang mga senador, kahit na ang 315 na kongresista ay bumoto ng pabor, hindi nito inaamyendahan ang mga panukalang amyenda, dahil hindi ito ang buong Kamara, paglilinaw ni Azcuna.

Sinabi pa niya na ang isinusulong na People’s Initiative (PI), para masimulan ang pagbabago sa Konstitusyon (Cha-cha) ay pwedeng kwestiyonin, lalo na’t may mga naiulat na bayaran at maling representasyon.

“If we want to change the voting, it has to be done by a Constituent assembly, not by an initiative. In Constituent assembly, you need the Senate to participate that's why it cannot be done,” paglilinaw ng 84-anyos na retired justice.

IBA PANG BALITA

Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal matapos magsagawa ng test-buy operations ang mga otoridad noong Miyerkules, Mayo 6,...

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya

IKAKASA pa ngayong taon ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang pagpapalawig sa kanilang outreach initiatives sa ilan pang rehiyon sa bansa...