150 BHWs sa Valenzuela City, sumailalim sa pagsasanay sa TESDA

Share

Nakumpleto ng aabot sa 150 barangay health workers (BHWs) sa Valenzuela City ang kanilang Barangay Health Service National Certification II (NC 11) training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sumailalim sa malawakang pagsasanay, lectures, at demonstrasyon ang mga BHWs upang mapahusay ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan.

Kabilang sa mga kasanayang ito ang basic first aid,
community development framework, mga interbensyon sa komunidad, at agarang pagtugon sa mga emergency situation.

Ipinagmalaki naman ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang lahat ng BHWs trainees na nakapasa sa TESDA assessment.

“Sa ating ALS Building sa Parada, ay pinaparenovate ko po dahil gusto ko na pong magkaroon ng permanenteng eskwelahan para sa mga BHW, hindi lang para sa Valenzuela kundi pang buong Pilipinas,” ayon kay Mayor Wes.

BASAHIN  ₱150-M donasyon ng SMC sa PDLs

Samantala, kasabay ng paggawad ng NC II certificates, kinilala naman ng City Health Office ang mga BHW na nasa 10, 15, at 20 taon na sa serbisyo.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

5 vendors sa rambolan sa Barangay Kapasigan, sinampahan na ng kaso

TULUYAN nang sinampahan ng kaso ang limang lalaking vendors na sangkot sa nangyaring rambolan, kamakailan malapit sa Plaza Bonifacio sa Barangay Kapasigan. Kinilala ni...