2 kulong sa ₱68-K droga sa Valenzuela

Share

KULUNGAN ang bagsak ng dalawang  tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng ₱68,000 halaga ng illegal na droga, kamakalawa sa Valenzuela City.

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanilang target na si alyas “Joel” ng ₱8,600 halaga ng droga.

Nang tanggapin ni “Joel” ang isang ₱500 bill marked money na may kasamag 8-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si alyas “Archie” dakong alas-2:40 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy., Malanday.

BASAHIN  Bahay ng isang 67-anyos na retiradong propesora, niransak at ninakawan ng 8 miyembro ng Pulis Imus?

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000 at buy bust money.

Kasong paglabag sa sections 5 at 11 under Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Kathryn kakalas na sa Star Magic

Matapos ang hiwalayan ng tambalang KathNiel, balak daw kumalas si Kathryn sa Star Magic, na kung saan, naging instrumento ng kanyang pagsikat sa larangan...