2 Teenager na holdaper arestado sa Malabon

Share

Arestado ang dalawang teenager na holdaper nang pumalag ang 19-anyos na dalagang factory worker na kanilang biniktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kung hindi kaagad dumating sina Pat. Roldan Rodriguez at Pat. Christian Mark Dumalag ng Malabon Police Sub-Station-5, malamang nalamog sana sa bugbog sa mga humabol na kalalakihan ang dalawang suspek na sina alyas “Shawn” 18-anyos, residente ng Melon Road, Brgy. Potrero at 17-anyos niyang kasabwat na residente naman ng Sabalo St. Caloocan City.

Sa ulat ni P/SSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, naglalakad ang biktimang si Wency Rose Vinzon ng Paradise Village, Brgy. Tonsuya, bandang 4:00 ng madaling araw sa tapat ng Malabon Citisquare Mall sa C-4 Road, Brgy. Longos, nang kalabitin ni alyas Shawn at tutukan ng patalim sa likod ang biktima sabay deklara ng holdap.

BASAHIN  ₱700-K shabu nasabat sa 3 tulak sa Parañaque

Pilit inagaw ng suspek ang cellphone ni Vinzon, subalit pumalag at nagsisigaw ang biktima na nakatawag pansin sa mga nasa kalsada.

Dahil dito, napilitan ang dalawang suspek na tumakbong patakas subalit hinabol sila ng mga kalalakihan hanggang sa nakorner at kukuyugin na sana nang dumating ang mga pulis.

Nakuha sa mga nadakip ang dalawang balisong na gamit nila sa panghoholdap habang positibo silang itinuro ng biktima na hindi binitiwan ang inaagaw sa kanyang P5,000 halaga ng cellular phone.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Oyo sotto, naospital, matapos bugbugin ni diether

NAG-VIRAL ngayon sa social media ang pambubugbog diumano ni Diether Ocampo kay OyoSotto. Marami ang nanood at nag-share ng ilang sa mga post tungkol dito...