Pagkakaisa, katatagan mensahe ni Mayor Marcy sa Marikeños

Share

HINIMOK ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang kanyang mga nasasakupan
na magkaisa at patuloy na magsikap para maging matatag.


Ito ang kanyang mensahe sa ika-27 anibersaryo nang pagkakatatag ng Marikina bilang lungsod na kasabay nang pagdiriwan ng kapistahan ng Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary.


Sinabi ni Teodoro, “As we celebrate our 27th Cityhood Anniversary, I am calling our fellow
residents of Marikina to continue to unite amidst challenges and adversities…[and] to sustain our unwavering resiliency as Marikina residents are known as strong, resilient people. The close partnership of the community and the city government is the secret of our strong resiliency,”


Umikot sa 16 na barangay ng Marikina ang isang masayang grand motor parade na may
kasamang banda.


Bukod pa rito, magkakasabay na misa nang pasasalamat ang ginanap sa iba’t-ibang simabahan sa buong lungsod na dinaluhan nina Mayor Marcy at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, kasama ang mga opisyal at kawani ng lungsod.


“Sa ating pagdiriwang ng atin 27th Cityhood Anniversary, ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga matatag na Marikeño na gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng lungsod,” ayon kay Mayor Marcy.

BASAHIN  Ilang jeep sa Marikina City pinili na mamasada sa kabila ng transport strike


“Mula sa isang maliit na munisipalidad, malayo na ang ating narating sa siyudad ng Marikina. Hindi madali ang ating pinagdaanan upang marating ang kung ano- man tayo ngayon—isang maunlad, mapayapa, at progresibong lungsod,” aniya pa.


Hiniling din ng punonglungsod sa mga kabataan ng Marikina na magsikap na makatulong para sa kaunlaran ng lungsod upang maipagpatuloy ang legasiya nito at tradisyon.


Sa kanyang maikling mensahe sa St. Gabriel Parish sa Marikina Heights, kinilala ni Rep. Maan ang pambihirang pagsisikap ng mga babae’t lalaki ng Marikina para ito ay maging isang lungsod mula sa isang maliit na munisipyo sa Metro Manila.


“Talagang ang araw na ito ay isang blessing mula sa ating Panginoon dahil ngayong araw pong ito ay naging ganap na siyudad ang ating bayan. Marami pong mga taong naghirap at nagpunyagi upang maisakatuparan po ang pagiging city o lungsod ng ating bayan. Sinimulan po ito ng nakaraang mayor pa po, at hanggang ngayon ay ating kinikilala pa rin,” dagdag pa niya.


Samantala, kasali sa mga aktibidad sa selebrasyon ang Christmas Shoe Bazaar at Banchetto na matatagpuan sa harap ng city hall.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

SUCs: Itigil na ang pagtanggap ng Sr. HS – CHEd

Inutusan ni CHEd Chair Prospero de Vera III ang lahat ng state universities andcolleges (SUCs) sa buong bansa na tigilan na ang pagtanggap ng...