Ivana: ‘Hindi po ako ang girlfriend ni Mayor Albee Benitez’

Share

DAHIL sa umiinit na istorya sa social media tungkol sa diumano’y relasyon ng aktres na
si Ivana Alawi, 27-anyos at Bacolod City Mayor Albee Benitez, 57-anyos, naglabas siya
ng opisyal na pahayag sa kanyang Fb page.


Ito ay dahil sa nag-viral na video ni Ivana (aka Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi) sa airport na pasakay daw sa eroplano pa-Japan, katabi daw si Mayor Albee sa pila. Pero hindi tiniyak ng ilang netizens na ang mayor nga ito, dahil sa suot na face mask.


Ayon sa official Facebook account ni Ivana na nai-post nitong Peb. 10 at lumabas sa
Pep.ph website:


“I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat
magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.”


Napuwersa raw siyang mag-open up dahil pati na ang mga mahal niya sa buhay ay
nadadamay sa kontrobersiya, na lalong pinalalaki ng ilang netizens.

BASAHIN  P14 Trilyong utang ng Ph, pinaiimbestigahan Duterte, pananagutin?


“But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my
Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay…This will be the first and
last time na magsasalita ako tungkol dito.


Sa aktuwal na Fb post ng aktres, “HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor
Albee Benitez. I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating
and friendly. At hindi lang siya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.”


Nilinaw ni Ivana, “I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is
that he is a respectable businessman and not a politician.”


Sana raw ay malinis ng rebelasyong ito ang kanyang pangalan para matigil na ang lahat
ng uri ng tsismis.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

LGU auditors hinimok ng dating audit chief na gawing price reference ang presyo ng mga electric minibus na binili ng Pasig City

HINIMOK ni Heidi Mendoza, dating hepe ng Commission on Audit ang lahat ng mga local government unit auditors sa bansa na gawing price reference...