36 evacuation center sa Marikina kasado na

Share

KASADO na ang 36 evacuation center ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina bilang paghahanda sa Bagyong #UwanPH na inaasahang magiging super typhoon at magdadala ng malakas na buhos ng ulan hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi lakip na sa kalapit na mga lalawigan.

Iniutos na rin ni Mayor Marjorie Ann Teodoro ang mabilisang paglilinis ng mga imburnal at kanal ganun din ang paglilinis at pag-alis ng mga bara sa mga creek at iba pang lagusan ng tubig.

Nagsasagawa na rin ng malawakang declogging operations ang City Engineering Office Huwebes pa lamang samantalang isinaayos na ang inspeksyon sa iba’t ibang rescue units sa palagiang binabaha na mga barangay.

“Inutusan na natin ang ating mga operatiba na tiyaking walang babara sa mga lagusan upang dadaloy ang tubig at hindi magdudulot ng malawakang pagbaha,” ang sabi ni Teodoro.

Malawakang anunsyo naman ang ginawa ng Public Information Office upang ipaalam sa mga mamamayan ng lungsod kung saan matatagpuan ang mga evacuation centers.

BASAHIN  Flood control program ng Marikina, pinuri ni Marcos

“Naka-preposition na rin ang ating mga rescue boats sa mga strategic locations para sa mabilising evacuation kung kinakailangan,” dagdag pa ng alkalde.

Lilibot din ang community kitchens para maglaan ng mainit na pagkain sa mga apektadong residente, at naka-alerto na rin ang City Health Office para sa medical emergencies kapag nanalasa na ang bagyo.

Sinabi pa ni Teodoro na may close coordination na rin ang iba’t ibang mga departamento upang siguraduhing ligtas ang mga residente at ma-minimize ang malawakang pagkasira ng mga ari-arian.

Hinimok naman ng punong lungsod ang mga residente na maging alerto, sundin ang opisyal na mga impormasyon at kautusan at maging aupdated sa real-time online monitoring system ng Marikina River.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang publiko na iwasan na ang pagtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig na magdulot ng pagbara at hindi na dadaloy ang tubig na magreresulta ng nakapipinsalang pagbaha.

IBA PANG BALITA

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVI sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

Barko, eroplano ng smugglers, sasamsamin – Villar

SINABI ni Senador Cynthia Villar na magkakaroon na nang kapangyarihan ang gobyerno nasamsamin ang eroplano, barko, sasakyang panlupa, atbp., sakaling ang mga ito ay...