Utos ni PBBM na dumaan muna sa LGU ang national projects aprubado ng LCP

Share

APRUBADO ng League of Cities of the Philippines (LCP) sa pamamagitan ng bagong pangulo nito na si San Juan City Mayor Francis Zamora ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idaan muna sa mga local government units (LGU) ang anumang proyekto ng national government.

Sa ipinadalang opisyal na pahayag ni Zamora nitong Lunes, sinabi ng alkalde na sang-ayon aniya ang buong national organization ng mga punong lungsod na tulad ng dati, dapat aniyang may paki-alam ang LGU sa pagpaplano at implementasyon ng national government-funded projects.

Ang direktibang ito ayon pa kay Zamora ay makakabawas, kung hindi man tuluyang mag-aalis ng pag-aaksaya sa pondo ng pamahalaan kung saan nahaharap ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa malaking kontrobersiyaang talamak na korapsyon sa mga proyektong pang-imprastraktura.

BASAHIN  Marcos Jr., binastos daw ni Mel Tiangco Ex-VP Noli, nag-sorry na kay Menggay

“Ang pagbabalik-muli ng kaayusang ito (na idaan sa lokal na pamahalaan) ay nagpapatunay lamang ng pagpapakita ng tiwala ng Pangulo sa kakayahan ng mga local officials na maging katuwang ng pamahalaang nasyunal sa nation-building,” ang pahayag ni Zamora.

Tinitiyak naman ng LCP sa DPWH at iba pang ahensya na susuportahan nila ang bagay na ito at magsisilbing force multiplier ang mga LGU sa pagmo-monitor kung papaano ipinatutupad at ginagawa ang mga proyektong ito ng national government.

“Kaisa ninyo kami sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan at makaasa kayo ng aming suporta sa isang uri ng responsableng paggasta ng pera ng gobyerno upang ang bawat proyekto ng pamahalaan ay mapakinabangan ng ating mga kababayan,” ayon pa kay Zamora.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

33 MSMEs mula MIMAROPA patok sa Panagbenga Festival trade fair

NAGPAKITANG gilas ang 33 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa ginanap kamakailan na trade fair kasabay ng Panagbenga Festival sa Baguio City. Patok sa...