33.4 C
Manila
Wednesday, December 4, 2024

‘Honey’ vs ‘Isko’ sa Maynila sa 2025

“ANG pagkakaibigan ay nagtatapos kapag ang pinag-uusapan ay ang kapakanan ng taumbayan.”

Ito ang sinabi ni former Manila mayor Francisco “Isko” Moreno sa kaniyang Facebook post makaraang hindi natuloy ang pagtatagpo sana nila ng kasalukuyang mayor na si Dr. Honey Lacuna.

Pag-uusapan sana ng dalawa kung sino ang magiging standard bearer ng binuo nilang partido na “Asenso Manilenyo” na nagpanalo sa kanilang dalawa noong 2019.

Matatandaan na magka-tandem dati sina Moreno at Lacuna sa nasabing partido bago kumandidato ang una sa pagka-pangulo nitong nagdaang halalan 2022.

Makakasama ni Moreno sa kanilang bagong binuong partido na “Bagong Maynila” sina city councilors Timothy Zarcal, Darwin Sia, Elmer Par, Jesus Fajardo, Irma Alonzo, Ian Nieva, Joel Villanueva, DJ Bagatsing, Lady Quintos, Mon Yupangco, Jaybee Hizon, Bobby Espiritu at SK Federation president Yanyan Ibay.

BASAHIN  Nag-file ng CoC sa BSKE, umabot na sa 1.18-M

“Kahit may kani-kaniya na kayong distrito pinili nyo pa rin na tumindig kasama namin. Mabuhay kayo! Kakayanin natin ito! Tuloy ang laban!” dagdag pa ni Moreno.

Matapos ang nasabing pahayag ng dating alkalde, nagsipag-babaan agad sa puwesto sa loob ng City Hall ang kilalang mga kaalyado ni Moreno kabilang na ang hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Dahil dito, napapabalitang todo-suporta ang mayoriya ng mga barangay officials sa Maynila na ayon sa ilang mga taga-suporta ito ay dahil sa kakaibang istilo ng pamumuno ni Moreno.

Ilan sa mga inisyatibo ni Moreno na umani ng papuri ay ang programa nito sa pabahay, modernong mga pampublikong paaralan at paglaban kontra droga.

Samantala, nagdeklara na rin si Lacuna ng kaniyang kandidatura at nangakong gagawing “Magnificent Manila” ang lungsod kung saan siya ang kauna-unahang babaeng alkalde sa kasaysayan nang maupo ito sa puwesto noong 2022.

BASAHIN  Awra Briguela, laya na

Itutuloy umano ni Lacuna ang programang “Kalinga sa Maynila” kung saan ihahatid aniya direkta sa mga residente ang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA