33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Humanitarian aid, pinapasok na sa Gaza

PINAYAGAN nang makapasok kahapon ang mga trak na nagdadala ng tulong sa Gaza Strip
mula sa Egypt.


Ito ang inianunsyo kahapon ng Egyptian Red Crescent (ERC). Ang mga trak na naglalaman ng
humanitarian aid para sa mga biktima ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas group ay
pinadaan sa Rafa border crossing, mula sa Egypt.


Ang 20 trak ay nagmula sa ERC, na siyang responsible sa pagdadala ng tulong na nagmula sa
iba’t-ibang ahensya ng United Nations (UN), ayon sa Agence France Presse (AFP).


Kasama ng mga trak ang apat na ambulansya, tigda-dalawang sasakyan ng UN at Red Cross na
patawid sa Rafah crossing..


Nagsimula nang bombahin ng Israel Defense Forces (IDF) ang Gaza matapos ang madugong
terrorist attack sa Israel noong Oktubre 7, na pumatay nang inisyal na bilang na 256 na
karamiha’y Israeli, na nagpa-party at bumihag ng mahigit 100 katao.

BASAHIN  Scholarship para sa mga anak ng 4 na ofws na nasawi saisrael - Ched

Ayon sa Palestinian State News Agency na WAFA, nitong Oktubre 21, umabot sa 4,137
Palestinians, kasama ang 1,524 bata at 1,000 mga babae ang napatay sa Gaza. Samantalang
1,400 ang napatay sa Israel.


Sa kanyang pagbisita sa Egypt, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres nitong
Biyernes, “These trucks are not just trucks, they are a lifeline…They are the difference between
life and death for so many people in Gaza.”


Mayroong 2.1 milyong ang mamamayan ng Gaza, at umabot sa mahigit 600,000 populasyon
nito ang lumikas kamakailan mula hilagang Gaza papunta sa timog Gaza, dahil sa abiso ng IDF
na bobombahin ang lugar.

BASAHIN  King Charles, may cancer; Susunod na raw kay Princess Diana?

Samantala, hiniling ng ASEAN na itigil na ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA