Pinoy seafarers, ligtas sa Houthi missile attacks

Share

ANIM na missiles ang pinalipad ng Yemeni Houthi rebels nitong Peb. 6 sa direksyon ng
dalawang merchant ships na may mga tripulanteng Pilipino.


Ayon sa report ng U.S. military, tatlo sa missiles ang dumaplis sa MV Star Nasia, isang
Greek bulk carrier na naka-rehistro sa Marshall Islands.


Nakatutok naman ang tatlo pang missiles sa MV Morning Tide, isang barko ng United
Kingdom. Hindi ito nagresulta sa anomang pinsala dahil sumabog lamang ito sa Red
Sea, may kalayuan sa kinalalagayan ng barko.


Patuloy na gumaganti ang mga rebeldeng Houthi — na suportado ng Iran — sa civilian
ships ng United States, Britain, at Israel bilang pagsuporta sa Palestine sa digmaan nito
laban sa Israel.

BASAHIN  Ivana: ‘Hindi po ako ang girlfriend ni Mayor Albee Benitez’


Tungkol sa mga 25 Pilipinong binihag ng Houthi noong Nobyembre 2023, sinabi
Georgy Gvozdeykov, Minister of Transportation, Bulgaria na ang mga tripulante ng
Galaxy Leader ay nananatili pa sa hotel hanggang sa ngayon, habang inaayos pa ang
kanilang travel documents.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Benta ng mga sasakyan lomobo ng 30.7 percent

TUMAAS ang benta ng sasakyan ng 30.7 percent sa unang anim na buwan ng 2023. Umabot ang benta sa 202,415 units sa unang dalawang quarters...