Anak ng dating That’s Entertainment member, namatay sa aksidente

Share

LABIS na nagluluksa ngayon si Fatima Alvir, dating miyembro ng That’s Entertainment dahil sa
aksidenteng kumitil sa kanyang 21-anyos na anak na si Paul Keagan Jaravata.

Si Paul ay nagtamo ng serious brain injury dahil sa isang aksidente sa pag-i-skateboarding nitong
September 1, sa Emmitsburg, Maryland, USA, ayon sa ulat ng Pep.Ph.


Dahil walang dalang ID si Jaravata, humingi ng tulong sa publiko ang pulisya para makilala ang
biktima.


Ayon sa report ng Frederick County Sheriff’s Office, noong Sept. 1, 12:10 a.m., humingi nang
emergency medical assistance ang FCSO deputies dahil diumano sa isang indibidwal na walang
malay, at tila nabundol nang kotse.


Dahil hindi magamit ang kanyang dalang cellphone dahil naka-lock, nanawagan ang FCSO sa
pamamagitan ng kanilang Facebook page para makilala ang biktima.


Bago rumesponde ang FCSO, nakatanggap nang tawag ang 911 mula sa isang motorista na
inireport na may walang malay na lalaki, malamang nasa edad 25, ang nasa tabi ng isang
skateboard.

BASAHIN  1st Batch ng ex-Saudi OFWs, ‘tanggap na ang back wages


Sinabi ng deputy na ang mga pinsalang inabot ni Paul sa katawan ay nagpapatunay na hindi siya
nabundol ng kotse. Wala rin daw skid marks ang bahagi ng kalsada malapit sa biktima.


“Injuries observed were consistent with a hard fall at speed coming down a hill and not with being
struck by a motor vehicle according to Emergency Medical Services personnel.


Inilipad ng Maryland State Police Trooper 3 si Paul sa University Medical Center at inaasahang
makaliligtas, pero siya ay naging brain-dead at namatay makalipas ang ilang araw.


Ayon sa kanyang ina, isang organ donor si Paul, kaya maraming buhay ang mababago, sakaling
maisalin ang kanyang vital organs sa mga taong mangangailangan nito.


Bumuhos ang pakikiramay kay Fatima at sa kapatid na si Mon Alvir, mula sa mga dating
kasamahan sa That’s Entertainment nang nalaman nila ang malungkot na balita.


Nakikiramay po ang BraboNews sa mga naulila ni Paul.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Nasunog na junkshop, nandamay pa ng 7 bahay sa Antipolo

SUGATAN ang isang bumbero matapos manguna sa pag-apula ng apoy makaraang masunog ang isang junk shop at nadamay ang pitong katabing bahay nitong Lunes...