Scholarship para sa mga anak ng 4 na ofws na nasawi saisrael – Ched

Share

INIANUNSYO ng Commission on Higher Education (CHEd), nitong Biyernes na magbibigay
sila ng educational assistance sa mga kwalipikadong anak ng apat na OFWs na nasawi sa
digmaang Israel-Hamas.


Sinabi ng CHEd na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMW) para
ma-contact ang bawat pamilya ng nasawing OFWs.


Ang pagkilos ay bunsod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumulong sa pamilya ng
apat, pati na rin ang reintegration ng iba pang Pilipino na nakauwi na mula sa Israel.


Ayon sa CHEd, ang mga kwalipikadong kaanak ay bibigyan ng libreng scholarship o libreng
college education sa pamamagitan ng Universal Access to Quality Tertiary Education law at
ang Tertiary Education Subsidy.

BASAHIN  100-M Pilipino, hindi dapat magutom – Romualdez


Sinabi pa ng CHEd na makikipagtulungan ito sa iba pang ahensya ng gobyerno para makatulong

partikular sa higher education – ang mga Pilipinong apektado ng conflict sa Gitnang Silangan.
Ang apat na Pilipinong napatay sa Israel ay sina nurse Angeline Aguirre, caregivers na sina
Loreta Alacre at Paul Vincent Castelvi, at isa pang caregiver, na hindi binanggit ang pangalan sa
kahilingan ng kanilang kaanak.


Habang sinusulat ang balitang ito, wala pa ring anumang impormasyon tungkol sa naiulat na
dalawa pang Pilipino OFWs na nawawala sa Israel.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Pilipinas, tambakan ng luma, outdated na sasakyan; ₱985-K na electric jeepney

Sa harap nang patuloy na isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization (PUVM)program ng gobyerno, patuloy pa ring ginagawa tayong tambakan ng mga outdated at...